NASA kotse na sila ni Kenobi pabalil na sila ng Manila.Kalong-kalong niya si Lexa.Iba pala ang pakiramdam ng may anak na. Kahit hindi siya ang nakaranas na magluwal kay Lexa ramdam na ramdam niya naman ang pagmamahal niya sa bata.May espasyo ito sa puso niya at hindi niya alam kung paano iyon nangyari."Sa Mansion tayo dederetso," pukaw ni Kenobi sa kanya.Nilingon niya ito."Ng mga De'Marco?" tanong niya."No, ng mga Sandoval."Saglit na natigilan siya."Naroon ang mga kapatid mo, ang buong pamilya mo at pamilya ko."Nilingon siya ni Kenobi at ginagap ang kamay niya na nakayakap kay Lexa na nakakalong sa kanya."Kung hindi ka pa handang magpakilala bilang si Hannah, ayos lang..."Nag-iwas siya ng tingin. Ibinaling niya ang tingin sa bintana.Makakaharap niya na ang Daddy niya.Matatanong niya na ito kung nasaan ang Mommy niya.Nanatili siyang tahimik hindi na rin umimik si Ke
Last Updated : 2025-07-28 Read more