"Kayo po pala ang asawa ni Sir Kristoff, Ma'am," ani nito na sinagot niya lang ng tipid na ngiti."Ang ganda niyo po pala sa personal sa mga pictures ko lang po kasi kayo nakita.""Thank you..." mahinang pasasalamat niya. Pinamulahan siya ng mukha sa mga papuri nito sa kanya."Dito po tayo, Ma'am..." anito at iginiya siya sa kanang hallway. Isang mahogany table ang nasa labas ng isang double door na pintuan. May gold template doon at nakaukit ang pangalan ni Kristoff. "Jas, si Ma'am Mina asawa ni Sir Kristoff," pakilala sa kanya ng receptionist sa babaeng nakaupo sa likod ng silya.Halata namang nagulat ito pero pagkuwan ay ngumisi sa kanya ng nakakaloko. Parang sasabog na ang dibdib nito sa suot na puting blouse na napapatungan ng blazer. Makapal ang make up nito at mahaba ang wavy na buhok. Maganda ito at mas mukhang artista kaysa secretary.Nakaramdam siya ng paninibugho. Hindi niya maiwasan ang i
Last Updated : 2025-07-14 Read more