Sa sandaling makalabas si Xayvier ng building, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng madaling-araw. Tahimik ang buong paligid, tanging ilaw sa kalye at ilang stray cats lang ang gising. Napabuntong-hininga siya habang nakasabit sa balikat ang tote bag, suot ang hoodie, at may hawak na cellphone. “Okay, mangga… saan kita hahanapin ng ganitong oras?” bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang map app na wala namang silbi ngayon, sarado halos lahat ng tindahan. Nagsimula siyang magmaneho, wala sa direksyon—kung saan may ilaw, doon siya papunta. "Kung mangga ako nasaan ako ngayong oras na ito?" Saad niya sa isip bago napag desisyonan na unang pinuntahan ang 24-hour convenience store ilang kanto mula sa kanila. Pumasok siya, nilibot ang fruit section, may banana, apple, orange, grapes... pero walang mangga. Lumapit siya sa cashier, mukhang antok na antok. “Kuya, may hilaw na mangga ba kayo?” “Tulog pa yata mga mangga, boss…” sabi ng cashier, hindi man lang nagbiro ito mabir
Huling Na-update : 2025-06-22 Magbasa pa