-Norman-Habang pauwi sa bahay, my vision turned blurry. Ayaw tumigil ang mga mata ko sa pamumuo ng mga luha. Maya’t maya din ang pagtulo ng mga ito, at mayat maya din ang pagpunas ko gamit ang likod ng kamay, hanggang sa hindi ko na kinaya.Inihinto ko muna ang kotse sa tabing kalsada, at saka yumukyok sa manibela at dito ako malakas na humagulgol. Hindi ko kayang mawalay sa akin si Savanna, pero kailangan. Hindi ko siya kayang saktan. Ayokong ako ang maging dahilan ng hindi niya pagtupad sa kanyang mga pangarap.Sobrang sakit sa dibdib, na parang hindi ako makahinga sa tuwing naiisip ko na iiwan niya na ako para bumalik sa Paris.Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, at hindi ko alam kung bakit hindi maubos-ubos ang mga luha ko. Lalaki ako. Matapang. Kayang pumatay ng kahit na sinong umagrabyado sa akin at sa pamilya ko, pero tao din ako at may pakiramdam. Nasasaktan, at umiiyak paminsan-minsan.Pero itong sitwasyon ko ngayon ay sobra pa sa pagpapahirap. Mahal na mahal ko si Savanna, at a
Last Updated : 2025-11-10 Read more