-Kyle-“Kyle, look here!” narinig ko ang malambing na pagtawag sa akin ni Jasmine. Paglingon ko sa kanya, itinaas niya ang hawak niyang camera. “Smile!” Inakbayan ko si Jared at nakangiti kaming humarap sa kanya."Congratulations, graduates!” Sa pagtatapos ng seremonya, nagkuhanan muna kami ng napakaraming litrato. Kami muna ni Jasmine sa unang click ni Jared. Sumunod naman si Yaya Glenda, katabi si Jake na ako ang kumuha. At kaming tatlo naman, si Jake si Jasmine at ako, at ang panghuli, kaming apat sa iisang litrato. Pero humiling si Jared na kung pwede ay makasama niya si Jasmine sa litrato, na malugod namang pinaunlakan ni Jasmine. Nakangiti ako habang kinukuhanan ko sila, pero may kakaiba akong naramdaman lalo na nang umakbay si Jared sa girlfriend ko. Binalewala ko na lang ang sakit na gumuhit sa puso ko dahil alam kong selos lang ‘to, at nakita ko naman na kumportable si Jasmine sa kanya, kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ito.Dumiretso kami sa isang restaurant kung sa
Read More