Nang makapasok sila sa loob ay namangha si Althea sa laki ng lugar. May nakaabang na golf cart sa kanila at iyon ang naghatid sa kanila ni Giovanni sa sinasabi ni Mr. Nilo na Southern Lake Side Villa. Panay ang lingon ni Althea sa paligid dahil naaaliw siya sa nakikita. Mukhang inspired ang Southern Lake Side Villa sa tatlong kilalang East Asian countries: Japan, Korea, at China. She only traveled to these countries due to work noong nasa Buenaventura pa siya at hindi nagkaroon ng pagkakataon para mamasyal. Kaya nga noong ipinangako sa kanya ni Hendrix na magbabakasyon sila sa Japan and would watch the cherry blossom together, she always looks forward to it, pero never nangyari. And now, thanks to this business trip, para siyang biglang nateleport sa bansang gusto niyang puntahan. "This will be your room Mr. Romanov," Una silang dinala ni mr. Nilo sa kwartong gagamitin ni Giovanni. "It's a two-floor presidential suite, and I hope it's to your liking." Nasa top floor sila ng pinasuka
Last Updated : 2025-11-30 Read more