Nang mapansin ni Althea ang pagtitig ng mga kaibigan ni Hendrix sa bandang likuran niya ay lumingon na rin siya, at doon niya nakita na nakatayo pala si Hendrix sa likuran nya at hindi maipinta ang mukha nito. 'Ilang araw siyang hindi umuuwi, at nandito lang pala siya?' Iyon agad ang pumasok sa isipan ni Althea. Ibinalik niya ang tingin sa mga kaibigan ni Hendrix, huli na ng mapansin niya na kasama pala ng mga ito si Iris Mendoza. Nakaupo ito sa gitna nila, tumatawa, nakakrus ang mga binti, at nilalaro ang buhok niya na para bang siya ang may-ari ng buong lugar. Pero ngayon ay napalitan ng inis ang mga ngiti nito, na para bang sinira ng pagdating ni Althea ang mood niya. Pero dahil sa tagpong ito ay naging malinaw na ang lahat kay Althea. Madalas na isama ni Hendrix si Iris sa mga lakad nilang magbabarkada kaya hindi na bago para sa kanila ang prisensya nito, kaya nakakapagsalita sila ng ganoon kakomportable. Baka nga nasa point na sila na malayang naglalampungan sa harapan n
Last Updated : 2025-06-13 Read more