CHAPTER 13: UNANSWERED WHYS Lileanne POV Hindi ko na alam kung ilang beses kong sinubukang ulitin sa utak ko 'yung buong eksena kanina. 'Yung bumaba siya na parang wala lang akong katabi, 'yung simpleng “Gotta go” niya, at higit sa lahat, ‘yung tingin niyang para bang hindi ako ‘yung babae na kasama niya sa iisang kwarto kagabi. Bakit ka nagkakaganyan, Ziven? “Okay ka lang ba, hija?” tanong ni Mama habang patuloy pa rin sa pagbuklat ng album. “Tahimik ka masyado.” Naputol ang paglalakbay ng utak ko sa sarili kong mundo. Ngumiti ako, kahit pilit. “Opo, Mama. Nakikinig lang po ako.” Tumingin siya sa akin, parang sinusuri kung nagsisinungaling ba ako. Pero sa huli, tinapik lang niya ang kamay ko at ngumiti. “Kung may problema kayo ni Ziven, wag mo siyang sabayan. Ganyan talaga ‘yon. Galit sa mundo. Pero malambot ‘yan sa loob.” Napatango na lang ako. Hin
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya