Alejandro Brothers Series #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire Ako si Lileanne Monteverde, and I pretend to be my stepsister Marga to marry the billionaire. Ginawa ko ito hindi dahil gusto kong agawin ang buhay niya, kundi dahil kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. Wala na akong ama, at hindi man lang ako binigyan ng parte sa naiwan niyang ari-arian. Kaya kahit labag sa loob ko, tinanggap ko ang alok ni Marga kapalit ng malaking halaga — isang kasunduang magpanggap ako bilang siya, upang makilala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Until I slowly fall in love with the billionaire, Ziven Alejandro... Hindi ko inakalang sa likod ng pangalan, yaman, at seryosong tindig ay may lalaking marunong makinig, umunawa, at magpahalaga. Mas lalo akong nalito nang maramdaman kong masarap palang mahalin — kahit alam kong hindi ako dapat masangkot. Paano kung ang puso ko’y pumili sa gitna ng kasinungalingan? At kung malalaman ni Ziven Ang katutuhanan, na nagpapanggap lang ako? Tatanggapin at mamahalin niya pa rin ba ako?
Lihat lebih banyakAuthor's Note
Hi, lovely readers! 💌 Una sa lahat, maraming salamat sa pagbisita at pagbibigay ng oras sa pagbasa ng bagong story ko. "Pretending To Be My Stepsister to Marry the Billionaire" is very close to my heart dahil hindi lang ito simpleng kwento ng pag-ibig — kwento rin ito ng sakripisyo, identity, at second chances. Habang sinusulat ko ito, iniisip ko ang mga taong napilitang kumapit sa isang kasinungalingan para lang mabuhay, para lang makamit ang isang bagay na dapat ay kanila rin. Si Lileanne ay hindi perpekto, pero kagaya ng marami sa atin, isa siyang biktima ng pangangailangan. At sa gitna ng lahat ng ito, natutunan niyang magmahal — kahit alam niyang hindi ito dapat. Sana'y samahan ninyo ako sa paglalakbay na ito ng puso, luha, kilig, at mga lihim. Hindi magiging madali ang lahat para kay Lileanne at Ziven, pero sino ba ang nagsabing madali ang tunay na pagmamahalan? Please don't forget to vote, comment, and share your thoughts! Your support keeps me writing. 💖 Love lots, yshanggabi ✨ #AlejandroBrothersSeries #PretendingToBeMyStepsister Disclaimer Ang kuwentong ito ay isang gawa ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahalintulad sa mga totoong tao, lugar, pangalan, pangyayari, o institusyon ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Ang "Alejandro Brothers Series #1: Pretending To Be My Stepsister to Marry the Billionaire" ay isang fiction story na isinulat para sa layunin ng aliw at inspirasyon. May mga eksenang maaaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa, kaya’t hinihikayat ang pagbasa ng may sapat na pag-unawa. Ang mga karakter, sitwasyon, at desisyon ng mga tauhan ay likha lamang at hindi naglalayong magturo ng tamang asal o modelo sa totoong buhay. Maraming salamat sa pag-unawa at suporta! 💛 ALEJANDRO BROTHERS!! Ang Tatlong Alejandro: Mga Lalaki sa Likod ng Apelyidong Bumabalot sa Kapangyarihan at Puso Sa mundong ginagalawan ng mga mayayaman at makapangyarihan, tatlong pangalan ang palaging nababanggit—Zayden, Ziven, at Zalvie Alejandro. Tatlong magkakapatid na may iisang dugo ngunit iba-iba ang kwento, pananaw sa buhay, at pakikitungo sa mundo. Zayden Alejandro – Ang Panganay: Tahimik ngunit Mapanganib Si Zayden ang panganay sa magkakapatid, at ito’y halata sa kanyang disposisyon sa buhay—seryoso, matalino, at matindi kung magdesisyon. Bilang tagapagmana ng Alejandro Company, bata pa lamang siya ay pinalaki na sa ilalim ng mabigat na responsibilidad. Mas pinili niyang itago ang kanyang emosyon at damdamin, kaya naman tila mailap at malamig siya sa paningin ng iba. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging tahimik, naroroon ang kanyang matinding loyalty sa pamilya. Wala siyang pakialam sa opinyon ng mundo, ngunit gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya. Minsan siyang nasaktan sa pag-ibig, at simula noon ay hindi na siya muling nagbukas ng puso. Ngunit sa likod ng kanyang matitinik na mata at madalas na pananahimik ay may lalaking nangangarap din ng pagmamahal na totoo at hindi ginagamit lamang ang apelyido niya. Ziven Alejandro – Ang Gitna: Green Flag na May Mabigat na Puso Si Ziven ang sentro ng Book 1 at ang “middle child” ng pamilya—ang anak na madalas nakakalimutan sa gitna ng mga obligasyon at expectations. Pero sa kabila nito, siya rin ang pinaka-mapagmahal, pinaka-marespeto, at pinaka-matinong anak ng Alejandro family. Maaga siyang naging responsable at nagpakumbaba kahit lumaki sa yaman. Kilala si Ziven bilang gentleman, madaling lapitan, at may kakaibang charm na natural na dumadapo sa kahit sinong babae. Ngunit kahit lapitin ng babae, nananatili siyang mapili at hindi basta-basta nagpapaapekto. Hanggang sa dumating si Lileanne, ang babaeng nagkunwaring iba—ngunit siya lang pala ang magtuturo kay Ziven kung paano magmahal kahit sa gitna ng kasinungalingan. Ziven is the classic green flag male lead—pero masusubok ang kanyang prinsipyo sa pagitan ng katotohanan at damdamin. At sa serye, makikita natin kung paano siya lalaban, hindi lang para sa sarili kundi pati sa babaeng pinili niyang mahalin. Zalvie Alejandro – Ang Bunso: Rebelde sa Paningin, Malambing sa Loob Kung may kontrabida sa porma pero prinsipe sa puso, si Zalvie iyon. Siya ang bunso, ang pinaka-kakaiba sa magkakapatid. Palaging nasusunod, palaging binibigyang pansin ng kanilang ina, kaya naman lumaki siyang medyo spoiled at may pagka-rebelde. Ngunit huwag magkamali—dahil sa likod ng pagiging pasaway at palatawa niya ay isang lalaking marunong makiramdam, marunong magmahal, at marunong umiyak. Si Zalvie ang tipo ng lalaking ipaglalaban ka sa lahat, pero kailangan mo munang tumbasan ang tiwala niya. Madalas siyang mailalagay sa sitwasyong pilit niyang binabalanse ang sarili: ang buhay na gusto niya at ang buhay na gusto ng magulang niya para sa kanya. Masalimuot ang kanyang magiging kwento. Isa siyang karakter na maraming layers, at makikita natin kung paano siya unti-unting magbabago dahil sa pag-ibig. Alejandro Brothers Series — Overview Tatlong magkakapatid. Tatlong kwento. Iisang apelyido na magdadala sa atin sa masalimuot na mundo ng pag-ibig, pamilya, at mga lihim. Ang Alejandro Brothers Series ay umiikot sa buhay nina Zayden, Ziven, at Zalvie Alejandro — mga anak ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. Sa likod ng kanilang yaman at ganda ng buhay ay mga sugat na tinatago, puso'ng natutong magmahal, at laban na kailangang pagdaanan para sa tunay na kaligayahan. Masisilayan natin ang bawat yugto ng kanilang paglalakbay — mula sa mga kasinungalingang bumago sa kapalaran, hanggang sa mga desisyong bumaligtad sa kanilang mundo. Handa ka na bang kilalanin ang magkakapatid na Alejandro? Ito ang simula ng lahat.Chapter 52: Morning Peace, Morning PlansZiven POVPagkapasok na pagkapasok ni Marga sa banyo, agad akong nag-inat. Aray ko! Napa-igik ako sa biglaang tusok ng pamamanhid sa kaliwa kong braso. Buong gabi kasi siyang nakaunan sa akin. Ramdam ko pa ang bigat ng ulo niya hanggang sa litid ko. Pero kahit ganun, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ang maamong mukha niya na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Tumayo ako mula sa kama, sinulyapan ang pinto ng banyo. May tunog ng tubig, hudyat na nagsisimula na siyang maligo. Hay salamat, okay na kami. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Parang tinanggalan ako ng mga 10 toneladang pressure sa dibdib.Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maayos. Naka-sando lang ako at boxer shorts. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para kumuha ng almusal naming dalawa. Balak kong ibalik yung simple pero sweet moments namin — kahit itlog at sinangag lang, basta may usap at lambing, sapat na ‘yon.Pero pagda
Chapter 51: The View I’d Wake Up ToLileanne a.k.a. Marga POVNagising ako sa pakiramdam ng mainit na bisig sa paligid ko. Medyo masakit ang leeg ko pero hindi ko na naalintana ‘yon dahil nakaunan pala ako sa braso ni Ziven. Ay Diyos ko! Ang unang sumigaw sa isip ko.Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tulog na tulog siya, halatang pagod, pero ang maamong mukha niya ang bumungad sa akin sa unang segundo ng paggising ko—parang ayoko nang gumalaw. Parang gusto ko siyang gisingin sa halik sa noo, pero… nakaunan ako sa braso niya! Ang awkward, pero ang kilig ko? Sukdulan!Gwapo talaga siya, grabe. Sabi nga sa romcoms, ang gwapo daw ng isang lalaki kapag tulog—eh paano kung kahit gising eh gwapo na, tapos pag tulog parang angel pa? Walang kahirap-hirap.Hinimas-himas ko ang ilong niya—ang tangos, grabe. Para akong bata na nakakita ng laruan na sobrang interesado. Pinaglaruan ko pa ng dulo ng daliri ko ang kilay niya,
Chapter 50: The Warmest ApologyLileanne a.k.a. Marga POVTahimik lang kami habang nakahiga. Ilang minuto na rin mula nang humiga siya sa tabi ko—walang imikan pero damang-dama ko ang bigat ng emosyon sa pagitan naming dalawa.Ilang ulit akong huminga nang malalim. Ang lamig ng hangin mula sa aircon ay kabaligtaran ng init na nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Para akong pinipiga sa kaba, sa kilig, sa dami ng tanong, pero sa gitna ng lahat ng ‘yon—isa lang ang malinaw…Gusto kong manatili siya sa tabi ko.“Can I cuddle with you?” mahina niyang tanong, habang nakatagilid na paharap sa akin.Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. Cuddle? Sa ganitong posisyon? Sa ganitong katahimikan?Nagkatinginan kami. Tila may pagtitimpi sa mga mata niya. Parang takot siyang ma-reject, pero may pag-asang nagbabakasakali.“Sure,” mahina kong sagot. At kung pwede lang sigawan ang sar
Chapter 49: “Can I Sleep Beside You?”Lileanne a.k.a. Marga POVPagkatapos ng lahat ng mga nangyari… sa wakas, nakapagusap din kami ni Ziven. Hindi ko alam kung paano pa maipapaliwanag ‘yung nararamdaman ko ngayon—relief, comfort, pero may halong takot.Hindi ko pa rin alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa akin sa katauhan ni “Margarette.” Pero ngayon, ang alam ko lang, masarap pala sa pakiramdam na piliin… at ipaglaban.Nasa kama na ako, nakapantulog na. Nakahiga ako pero hindi pa ako tulog. Nakaharap ako sa may lampshade habang iniisip ang mga sinabi niya kanina.“Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang.”Napangiti ako, sabay pikit. Pero nagulat ako nang marinig ko ang mahina’t mabagal na katok sa pinto.Tok. Tok.Umangat ako mula sa pagkakahiga. “Who is it?” mahina kong tanong.“It’s me…”Boses ni Ziven.Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakatayo siya doon, naka-white shirt at gray na
Chapter 48: Break the IceZiven POVAlas-singko ng hapon. Ang dami ko nang ginawa sa opisina — dalawang meeting, isang conference call sa Singapore, at anim na pirma sa kontrata — pero kahit anong gawin ko, kahit ilang ulit kong balikan ang proposal sa harap ko, isa lang ang laman ng utak ko: si Marga.Kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya?Mula kahapon, wala pa rin kaming usap. Ni isang mensahe, wala. At oo, ako ang may kasalanan. Alam kong kahit anong paliwanag ang gawin ko, ang nakita niya ay isang halik mula sa ex ko. At sa paningin niya, hindi iyon biro.Napapikit ako habang nakasandal sa swivel chair ko. God, ang gulo.Tumunog ang phone ko. Tumayo ako agad, kinuha ito mula sa table, pero hindi siya ‘yon. Isa lang sa mga staff. Nagpa-follow up ng approval.“Pabukas na lang ‘yan,” sagot ko.Hindi ko na talaga kaya. Lumabas ako ng office at pumunta sa balcony sa 15th floor ng gusali. Ang taas. Ang hangin. Pero
Chapter 47: A Conversation in the GardenLileanne A.K.A. Marga POVAng tagal kong nakatulala sa kisame ng kwarto. Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Alam kong hindi ako dapat masyadong apektado, pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko—hindi ko na lang kasi siya mahal, kundi nasasaktan na rin ako.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Kinuha ko ang cardigan na nakasabit sa gilid ng pintuan, tsaka lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala ang dating sigla, wala rin si Ziven.Naglakad ako papunta sa garden, sa paborito kong spot—isang deck chair sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Ang ganda ng tanawin, ang hangin malamig at presko, pero sa kabila noon, parang kulang.Kulanging-kulangi.Kulanging-kulangi kasi wala siya.Umupo ako sa deck chair. Sandaling nagsara ang mga mata ko. Sa dami ng inisip ko buong gabi, ngayon pa lang yata ako nakaramdam ng konting katahimikan.At naka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen