Nang makarating sila ng bar ay nauna nang bumaba si Mylene at Jane. Humalik na muna si Kayla sa asawa niya.“Thank you love, I’ll call you later or message you kapag pauwi na kami.” May dinukot naman si Owen sa wallet niya saka niya ibinigay kay Kayla. Kunot noo namang tiningnan yun ni Kayla. “Anong gagawin ko diyan?”“Gamitin mo, treat yourself and your friends.”“May dala naman akong cash at card love, hindi na kailangan. Thank you,” aniya saka ibinalik sa wallet ni Owen ang card nito.“Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi sayo. Napadependent mong babae. Ni hindi ka man lang humingi sa akin.”“Love, ikaw ang gumagastos sa lahat ng bills natin sa bahay. Libre rin ako sa bahay, ano pa bang gagawin ko sa pera ko? Sarili ko na lang pinaggagastusan ko kaya hayaan mo na ako.” Wala namang nagawa si Owen kaya siniil niya na lang ito nang halik. Bumaba naman na si Kayla saka siya kumaway kay Owen nang umalis na ito.“Ang tagal naman. Anong ritual pa ba ang ginawa niyo?” nakataas ang kilay na
Last Updated : 2025-11-25 Read more