NAKAYAKAP si Frank sa kanyang baywang. Pareho silang nakatingala sa pang-umagang araw na nakatayo at magkalapit ang mga katawan. Maaga si Beth na nagising na nakasuot na muli ang mga damit. Sa tila ba ay isang panaginip, totoong may nangyari sa kanila ng binata sa hindi niya mapagtino kung anong oras.Napagtanto ni Beth na hindi iyon isang panaginip lamang nang maamoy niya ang panlalaking pabango nito na kapareho sa pabango na nalanghap niya sa kanyang silid. Sa hindi niya mapangalanang rason, tila ba ay pamilyar kay Beth ang amoy nang pabango nito. Hindi lamang niya masiguro kung kanino, kailan at saan niya nalanghap ang pamilyar na pabango na iyon.Hinanap niya si Frank nang siya ay magising subalit hindi niya ito makita sa loob ng 'residential house' ni Rudolph Clarksville Indiana. Ang natatanging bantay sa pinakapangunahing matayog na gate ang nagsabi sa kanya kung saan nagtungo ang binata.Pasimple si Beth na ngumiti ng palihim. Gumanti ng yakap sa baywang ni Frank habang nasa ma
Last Updated : 2025-07-20 Read more