HALF day lang ang pasok nila Gabriella. Alas diyes pa lang ay dinismiss na ang klase nila. Magkasabay na naglalakad si Lora at Gabriella habang si Karl naman ay kinuha ang motor nito sa parking area ng school nila. Sa gate na lamang nila hihintayin si Karl. Nang nasa gate na sila ay ilang saglit lang ay dumating na si Karl sakay ng motor. "Hindi daw sasabay si Gabriella. May dadaanan pa daw siya," sabi ni Lora. "May inuutos kasi si Mamang sa kabayanan," ani ni Gabriella nang tumingin si Karl sa kanya at nagtatanong ang mga mata. "Sige na, mauna na kayo," pagtataboy niya sa dalawa. "Sigurado ka? Hindi ka ba maliligaw niyan?" inosente ang mukhang tanong ni Karl, tila ba ito nang iinis. Sabay na natawa si Lora at Gabriella sa birong iyon ng kaibigan. "Kung sakaling maligaw man ako, kaya niyo naman akong hanapin," natatawang sabi ni Gabriella. "Ingat ka," si Karl at inabot ang helmet kay Lora. "Sakay na, Lora." habang sinusuot ang helmet sa ulo. Bago sumakay si Lora ng mot
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya