Share

27 Sudden change

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-07-31 14:59:51

NAGING madalas ang pagpunta ni Miguel sa pamilya Joson gawa nang pinauumpisahan na nito ang pagpapagawa ng warehouse. Ilang linggo na ring hindi nakikita ng binata si Gabriella dahil sa sobrang kaabalahan niya. Dadating siya nang wala na ito at pumasok na sa paaralan. Sa hapon naman ay hindi na siya dadatnan nito dahil maaga naman siyang lumuluwas pabalik sa mansion nila.

Ang huling napag-usapan nila ay ang tungkol sa status ng relasyon nila na nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Ipapaalam ko kay tita Mariella ang tungkol sa atin, Gabby." sabi ni Miguel habang nasa kubo sila at iniintay ang Mamang niya.

Papadilim pa lang noon. Ang kapaligiran ay nababalot nang nag-aagaw liwanag at dilim. Parang nagsabog ng kulay kahel sa kapaligiran.

"Miguel, baka pwedeng huwag na muna." nag-aalangan niyang sabi.

Nagtatakang tumingin si Miguel sa kanya, mabilis naman niyang iniiwas ang mga mata.

"Ayaw mo bang ipaalam naten kay tita Mariella?" nagtatakang tanong ni Miguel.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   28 Kalungkutan...

    "CONGRATULATIONS, to us!" malakas na sigaw ni Lora habang mahigpit na yumakap kay Gabriella at Karl. Pagkatapos ng ceremony ng graduation nila ay tumuloy silang tatlo sa bahay nila Lora. Ang Mamang niya ay dumeretso na nang bahay nila pauwi. Tumanggi si Gabriella nang mag-aya ang mga kaklase na magpunta sa isang resto-bar para doon magcelebrate after ng graduation ceremony. Nang malaman ng dalawa na hindi siya sasama ay hindi na rin sumama ang mga ito. Nag-aya na lamang si Karl kala Lora at nag order sila ng makakain at konting inumin. "And good luck to our new journey!" si Karl at tumalon talon sa saya. "Congrats!" masayang bati din ni Gabriella pero ang saya niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya. Ayaw niyang ipahalata sa mga kaibigan ang lungkot na nararamdaman niya. Namimiss na niya ang Papang niya na dapat sana ay kasama nila ng Mamang niyang umakyat sa entablado. Nakakuha siya ng mataas na karangalan at tiyak na kung nabubuhay ang kanyang Papang ay proud na p

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   27 Sudden change

    NAGING madalas ang pagpunta ni Miguel sa pamilya Joson gawa nang pinauumpisahan na nito ang pagpapagawa ng warehouse. Ilang linggo na ring hindi nakikita ng binata si Gabriella dahil sa sobrang kaabalahan niya. Dadating siya nang wala na ito at pumasok na sa paaralan. Sa hapon naman ay hindi na siya dadatnan nito dahil maaga naman siyang lumuluwas pabalik sa mansion nila. Ang huling napag-usapan nila ay ang tungkol sa status ng relasyon nila na nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Ipapaalam ko kay tita Mariella ang tungkol sa atin, Gabby." sabi ni Miguel habang nasa kubo sila at iniintay ang Mamang niya. Papadilim pa lang noon. Ang kapaligiran ay nababalot nang nag-aagaw liwanag at dilim. Parang nagsabog ng kulay kahel sa kapaligiran. "Miguel, baka pwedeng huwag na muna." nag-aalangan niyang sabi. Nagtatakang tumingin si Miguel sa kanya, mabilis naman niyang iniiwas ang mga mata. "Ayaw mo bang ipaalam naten kay tita Mariella?" nagtatakang tanong ni Miguel.

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   26 Confession

    "HINDI ka na galit sa akin?" tanong ni Miguel habang hinahaplos ang mukha at dinadampi dampian ang mga labi ng dalaga. "Naiinis lang ako sa iyo." nakangiting sabi ni Gabriella. "Masyado kang possessive. Napakaseloso mo pa." tudyo niya sa binata. Napasigaw siya nang panggigilan siya ni Miguel sa hita. "Bakit hindi ako magseselos sa kausap mo kanina, ngiting ngiti ka sa kanya. Madalas ka bang mautusan ni tita Mariella bumili dun?" halata sa mukha ni Miguel ang pagseselos sa binatang tindero. "Kanina lang ako nautusan ni Mamang, tatlo o apat na beses pa lang naman ako napunta dun, buhay pa si Papang noon." sagot ni Gabriella. "Tatlo? Apat? Pero ang ganda ng ngiti mo sa kanya. Samantalang ganun din naman tayo, iilang beses pa lang ako napupunta dito, ni hindi mo man lang ako nginitian ng katulad sa ngiti mo sa tindero kanina." tila ito batang nagrereklamo. "Nakakaintimidate ka kasi, who would have thought, na gusto mo pala ako. I'm just sixteen then, now eighteen, I have no id

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   25 Tease

    NAALIMPUNGATAN si Gabriella nang tila may nakamasid sa kanya habang natutulog. Nang pumasok siya sa kanyang silid ay hindi na siya lumabas para mananghalian. Gusto muna niyang iwasan ang binata. Pero bakit andito ang binata sa loob ng silid niya at nakatabi ngayon sa kanya sa kama. Nakaharap ito sa kanya at pinagmamasdan siya. Kumurap kurap siya sa pagbabakasakali na baka nananaginip lamang siya. Pero sa ilang beses na pagkurap niya ay lalong lumilinaw ang imahe ng mukha ng binata sa mga mata niya. Ngumiti si Miguel sa kanya. Kinabig ni Miguel ang baywang ng dalaga upang ilapit sa katawan niya. Nagulat si Gabriella sa ginawa ni Miguel at nailagay ang mga kamay sa dibdib nito. "I'm sorry," masuyong bulong nito habang nakatigtig sa kanya. Sincere ang mukha nito at tila sinusuyo siya. "Miguel, baka makita ka ni Mamang dito," may pag aalalang sabi ni Gabriella. Lalong hinigpitan ni Miguel ang pagkakayakap sa kanya. "I told you, kaya kitang panindigan kay tita Mariella kung makik

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   24 Paninibugho

    KUNOT noong sinundan ng tingin ni Miguel si Gabriella na papalapit sa kotse niya. Matamis ang ngiti nito sa binatang kausap pero nang tumalikod ito papunta sa kinaroroonan niya ay nagbago ang expression ng mukha nito. Mataray at seryoso. Pagtapat ni Gabriella sa kotse niya ay malakas na kinatok ang bintana at namaywang nang bumaba ang salamin. "Saan pwedeng isakay iyong mga pinabili ni Mamang? O ipapadeliver ko na lang?" nakasimangot nitong tanong na hindi tumitingin sa kanya. Tiningnan ni Miguel ang sinasabi nitong pinabili ng Mamang nito. Tatlong sakong maliliit lamang iyon at may isang plastic na malaki na sa tantiya niya ay nasa limang kilo lamang na patuka ng manok. Walang sabi sabi na bumaba siya ng kotse at lumakad sa likuran at binuksan ang trunk. Bumalik si Gabriella sa tindahan at tinuro sa boy kung saan ikakarga ang mga pinamili. Pagkatapos bayaran ni Gabriella sa binatang tindero ang mga pinamili ay nagpaalam na siya. Nahuli pa ng mga mata ni Miguel ang paghap

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   23 Insecurity

    HALF day lang ang pasok nila Gabriella. Alas diyes pa lang ay dinismiss na ang klase nila. Magkasabay na naglalakad si Lora at Gabriella habang si Karl naman ay kinuha ang motor nito sa parking area ng school nila. Sa gate na lamang nila hihintayin si Karl. Nang nasa gate na sila ay ilang saglit lang ay dumating na si Karl sakay ng motor. "Hindi daw sasabay si Gabriella. May dadaanan pa daw siya," sabi ni Lora. "May inuutos kasi si Mamang sa kabayanan," ani ni Gabriella nang tumingin si Karl sa kanya at nagtatanong ang mga mata. "Sige na, mauna na kayo," pagtataboy niya sa dalawa. "Sigurado ka? Hindi ka ba maliligaw niyan?" inosente ang mukhang tanong ni Karl, tila ba ito nang iinis. Sabay na natawa si Lora at Gabriella sa birong iyon ng kaibigan. "Kung sakaling maligaw man ako, kaya niyo naman akong hanapin," natatawang sabi ni Gabriella. "Ingat ka," si Karl at inabot ang helmet kay Lora. "Sakay na, Lora." habang sinusuot ang helmet sa ulo. Bago sumakay si Lora ng mot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status