GAYA NG inaasahan naging tampulan si Renoche ng tukso ng mga kapatid. Maging ang daddy niya ay nakikitawa na sa mga ito samantalang siya ay halos manalangin na na sana ay lamunin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan.“Anak ng pating, saglit lang kaming nawala nakahanap ka na agad ng chicks,” palatak ni Radney na inakbayan siya.“Tigilan niyo nga ako,” siniko niya ito sa tagiliran.“Sige, sundin natin si Nicole tutal ay mukhang hindi pa tapos sumilay—este hindi pa magaling ang bunso natin,” himig pagbibiro rin ng palaging tahimik niyang kapatid na si Razel.“Pati ba naman ikaw, Kuya Razel,” napapakamot na siya sa ulo. Bakit kasi napakatabil ng dila niya?“Tigilan niyo na ang kapatid niyo at baka bumuka na naman ang tahi niyan lalong hindi tayo makakauwi. Makakahalata ang mommy niyo at paniguradong lahat tayo ay sa labas matutulog,” turan ni Rocco.“Kayo lang, dad, dahil hindi magagawa ni mommy sa ‘min ‘yon. Mahal na mahal kami ni mommy, ‘no?” ani Rad.Hindi nagsalita ang ama at napakamot
Terakhir Diperbarui : 2025-08-26 Baca selengkapnya