Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]

Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]

last updateLast Updated : 2025-07-22
By:  EcrivainUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ursula had to escape from her father dahil pinipilit siya nitong ipakasal sa kanang-kamay nitong si Leon. Her father felt indebted to him because he saved his life on one of their encounters to the authority. Pero ang hindi alam ng ama ay masamang tao ang pinagkakatiwalaan nito dahil isang gabi na wala ito ay sinubukan siyang pagsamantalahan ni Leon at nang hindi siya pumayag ay sinaktan siya nito. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating sa isang kubo sa gitna ng sagingan at doon ay nakatulog siya. Nang magising ay nasa isang silid na siya at agad na bumulaga sa kanya ang mukha ng isang lalaki. The most handsome face she had ever seen. Hindi niya alam na posibleng makaramdam siya ng sense of security sa lalaking kakikilala pa lamang niya at iyon ang ibinibigay ng awra nito sa kanya. Agad na nahulog ang loob niya rito at hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil nagpanggap siyang wala siyang naaalala kahit pa ang sarili niyang pangalan. Matatanggap kaya siya nito kapag nalaman nitong parte siya ng isang grupo na lumalaban sa gobyerno? Pero paano kung nahulog na rin pala ito sa kanya? Would he choose her dangerous love over his family?

View More

Chapter 1

Prologue

“ANO BA, Leon, bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Ursula mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Leon sa pulso niya. Para itong asong nauulol habang nakangising nakatingin sa kanya.

“Huwag ka ng pumiglas, Sol. Isipin mo na lang honeymoon na natin ‘to. Male-late lang ang kasal at mauuna ang pulot-gata,” turan nito.

“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Nakakadiri ka!” buong lakas niya itong itinulak at bumagsak ito sa kawayang sahig ng silid niya. Sinubukan niyang tmuakbo palabas pero mabilis nitong nahablot ang mahaba niyang buhok at hinila siya pabalik sa loob. Pasalampak siya nitong itinulak sa dingding na pawid at napangiwi siya sa sakit ng tumama ang braso niya sa nakausling pako.

“Huwag ka nang choosy. Sa grupo natin ay ako lang ang may hitsura,” mayabang na turan nito.

Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at moreno ito na nahahawig sa isang sikat na Pinoy action star pero ang hininga naman nito ay hindi. Nangingitim na ang ngipin nito dahil sa sigarilyo at ang buhok nito ay napapanot na. Ilang taon lang ang edad nito sa kanya pero mukha na itong matanda.

“Makakarating ito kay Tatay, sinasabi ko sa ‘yo at kapag nalaman niya ito siguradong papatayin ka niya,” pakli niya. Pero tumawa lang ito ng malakas at muling naglakad palapit sa kanya.

“Tsk! Tsk! Baka nagkakamali ka. Hindi mo ba naalala iyong sinabi niya noong nakaraan? Gusto na niyang magkaroon ng apo. Kaya sino ako para hindi tuparin ‘yon?” puno ng kumpiyansang wika nito.

“Tumigil ka!” tumayo siya at tinangkang lampasan ito pero bigla siyang hinalikan nito sa labi. Nagpumiglas siya at labis na nandiri. Tinakpan niya ang labi nito pero kinagat nito ang palad niya. “Aray! Tumigil ka na, ano ba?!” kahit na anong piglas ang gawin niya ay mas malakas ito sa kanya at sinubukan siya nitong halikan sa leeg niya. Doon na naiyak si Ursula at pinagsusuntok ito pero ginantihan siya nito at sinuntok siya sa sikmura. Namilipit siya sa sakit at napaluhod sa sahig. Doon na walang awang winasak ni Leon ang suot niyang kamiseta at hayok na hayok nitong pinagmasdan ang dibdib niya na natatakpan pa ng bra.

“Napakaganda mo talaga. Jackpot na jackpot ako sa kutis mong porselana,” pakli nito at agad siyang dinukwang. Sinibasib nito ng halik ang leeg niya. Nawawalan na ng lakas si Ursula pati na rin ang pag-asang matatakasan niya ang hayop na ito. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha mula sa mata niya at napatingin na lang siya sa gilid para iwasan ang mukha nito nang matanawan niya ang kutsilyo na nakasuksok sa dingding.

Pinilit niyang abutin iyon at nang makuha ay agad niyang sinaksak sa likod si Leon. Napasigaw ito sa sakit at umalis sa pagkakadagan sa kanya. Mura ito ng mura tanda ng labis na galit sa kanya habang pilit inaabot ang patalim na nakabaon sa likod nito. Kinuha niya ang pagkakataon na ‘yon at tumakbo siya palabas.

Sa kalagitnaan ng gabi ay tumakbo ng tumakbo si Ursula. Hindi niya alintana ang mga batong inaapakan na sumusugat sa talampakan niya at ang sanga ng puno na nakausli na tumatama sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Ang mahalaga sa kanya ay ang makalayo sa lugar na ‘yon.

Hindi alam ng dalaga kung gaano katagal na siyang tumatakbo at kung saang lugar na siya nakarating. Basta ang alam niya pagod na siya at hindi na niya kaya pang tumakbo. Naghahabol ng hininga siyang umupo sa nakatumbang puno ng saging at tumingala sa bilog na buwan. Napakaliwanag no’n at kitang-kita niya ang paligid na puro puno ng saging.

Unti-unti ng bumibigay ang mata niya dahil sa antok. Ni hindi niya alam kung anong oras na. Pero hindi maaaring doon siya matulog. Baka mamaya ay kasunod na niya si Leon. Kahit pagod at hapo na ay pinilit niyang tumayo at naglakad-lakad pa. Hanggang sa may matanaw siyang kubo. Nagmadali siyang pumunta roon at pumasok sa loob. Hindi iyon naka-lock kaya hindi siya nahirapang makapasok. Sa loob ay may thermos, banig at unan. Mukhang ginawa iyong pahingahan. Hindi na siya nagdalawang isip at nahiga roon.

Ipinikit niya ang mga mata at wala pang ilang minuto ay nakatulog na rin siya.

“SIR RAIKKO, Sir Raikko, may tao dito!” naulinigan ni Ursula ang sigaw na ‘yon ng isang lalaki pero hindi niya magawang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya maramdaman ang katawan niya at hindi siya makagalaw. Wala ring bosess na lumalabas sa bibig niya.

“Kunin mo ang kumot, Kiko,” narinig niyang utos ng baritonong tinig na malapit sa kanya. Tila ba nakadungaw ito sa mukha niya. Sibukan niyang imulat ang mga mata pero agad niya rin ‘yong ipinikit ng masilaw. Ramdam niya na parang nakalutang siya at may malakas na bisig na nagbubuhat sa kanya. Isang beses pa niyang iminulat ang mga mata at sa maliit na siwang ay natanaw niya ang mukha ng lalaking seryosong nakatingin sa kanya. Makakapal ang kilay nito at itim na itim ang mga matang nakatitig sa kanya. Tila ba ini-eksamin nito ang kabuuan ng mukha niya.

Napangiwi siya nang may maramdamang sakit sa tagiliran niya at nakita niya ang pag-aalalang namutawi sa gwapong mukha ng estranghero pati na rin ang banayad na paglayo ng katawan nito sa kanya. Mayamaya ay naramdaman niya ang muling pagbigat ng talukap ng mata niya kasabay no’n ay ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status