STABLE NA ang lagay ni Renoche. Mabuti na lang at walang organ ang natamaan ng patalim. Iyon nga lang ay kinailangan niyang salinan ng dugo dahil sa dami ng nawala sa kanya. Lahat sila ay nag-iisip at hindi malaman kung ano ang gagawin.Si Razel ay nagpalakad-lakad sa gilid ng kama ng kapatid habang si Radney at Raikko ay tahimik na nakatayo sa kabilang gilid.“Paano natin sasabihin kila mom at dad ang nangyari kay Noc? Hindi na kayo makakapagsinungaling sa kanila dahil may nasaktan na,” ani Rad.“Hindi kami, tayo. Kasama ka na rin dito, Rad,” si Razel.“Anak naman ng teteng, o. Idinamay niyo pa ako imbes na nagsasaya ako sa club,” palatak nito.“Pwede bang tigilan mo ang pagmamaktol mo? Bakla ka ba?” pakli niya. Natahimik naman ito at napakamot na lang sa ulo.“Kailangan nating umisip ng paraan para itago ito kila mommy,” ani Razel na tumigil na sa paglalakad at hinarap sila.“Paano? Malapit nang lumiwanag at hindi tayo agad makakabalik sa bahay dahil sinasalinan pa si Noc ng dugo,”
Last Updated : 2025-08-25 Read more