Christine's POV It's been a week na simula ng nasa loob lang ako lagi ng bahay. Hindi pumapayag si Jake na pumasok ako sa opisina kaya mga apat na araw na rin itong busy sa pag aasikaso ng kumpanya niya at pati na rin ng kumpanya ng pamilya namin. Simula ng lumabas ako sa hospital nag insist siya. Na siya nalang muna ang bahala sa lahat lalo na sa kumpanya ng pamilya ko. May tiwala naman ako sa kanya, hindi dahil asawa ko siya kundi dahil sa lahat ng kabutihan nito na nagawa niya sa akin. Ramdam ko na mahal ako ni Jake at alam kong importante ako sa kanya kaya sapat na siguro iyun para pagkatiwalaan ko siya. "Iha,hindi ka ba nagugutom?" Narinig ko ang boses ni manang kaya nilingon ko ito. "Ay, hindi po manang, busog pa ako" Nakangiting sagot ko. Lumapit ito sa akin at umupo sa tapat ng inuupoan ko. "Malaki laki na talaga ang tiyan mo iha" Nakangiting sabi nito at tiningnan ang tiyan ko. "Oo, nga manang kung minsan nga nakakatuwa dahil laging gumagalaw ito kapag andiyan si
Last Updated : 2025-09-17 Read more