Jake's POV "Sir emergency po" Bulong ng staff ko na si Gary. Kinakabahan na tiningnan ko ito. Nasa kalagitnaan ako ng meeting kaya suminyas ako sa nagprepresent na tumigil muna ito at tumayo ako. "Anong emergency?" Nakakunot na tanong ko. Mabilis na binigay ni Gary ang cellphone sa akin, nagugulahan pa ako pero mabilis na inilagay ko ito tenga ko. "Hello, is this Mr.Jake Downson, the husband of Ms. Christine Salazar Downson?" Boses ng isang babae ang naririnig ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at ang lakas ng tambul ng tibok ng puso ko. "Yes I am!" "Sir, ang asawa niyo po ay kasalukuyang nasa ER at kailangan operahan ito dahil sa natamong aksidente nito. Para maintindihan niyo ang buong detalya pakipuntahan po agad ang ito ngayon sa Doctor Georgette hospital. Both the mother and the baby are in danger po as of now" Huminto sandali ang paghinga ko ng marinig ang sinabi nito. Mabilis na inilagay ko sa dibdib ni Gary ang cellphone. "Gary ihanda mo agad ang private jet ko.
Last Updated : 2025-09-21 Read more