Christine's POV "Nakikiramay po ako ate Mercy" Sabi ko sa panganay na anak ni manang. Kasalukuyang nasa burol ako ngayon ni manang dahil sa pang sampung ulit na pagpupumilit ko kay Jake sa wakas pumayag na rin ito. Kasama ang mahigit sampung bodyguard na pumunta ako dito.Nasa urgent meeting si Jake ngayon kaya hindi ito nakasama sa pagpunta ko. "Maraming salamat po ma'am Christine" Sagot ni ate Mercy. Minsan ko ng nakausap ang panganay na anak ni manang kaya kilala ko na ito. Bakas sa hitsura ni ate Mercy ang pag hihinagpis bilang anak na iniwan ng ina kaya agad na niyakap ko ito. "I'm sorry po ate, sorry po talaga wala akong nagawa ate" Umiiyak na sambit ko habang yakap yakap ito. "Hindi, wala kang kasalanan ma'am Christine, Walang mi gusto sa nangyari kaya pakiusap wag niyo pong sisihin ang sarili niyo" Umiiyak din na sagot nito. "I'm sorry talaga ate, patawarin niyo po ako" Umiiyak pa rin na sabi ko. Pakiramdam ko kasi walang dapat sisihin sa pagkamatay ni manang kun
Last Updated : 2025-09-26 Read more