Krzy's POV "Good morning doc, Kapatid po ako ni Christy Salazar" Masayang pakilala ni Christine habang kaharap namin si Doctora Giselle Morie. Ngumiti ito sa akin sabay lahad ng kanyang kamay sa harap ko matapos nitong makipagkamay Kay Christine. Dating nakasama ko si Doctor Morie sa isang medical mission kaya kilala na ako nito. "Dito po tayo" Unang naglakad si Doctor Morie habang nakasunod kami ni Christine. Pumasok kami sa isang silid na puno ng mga iba't ibang pasyente. Isa itong Mental hospital kaya iba iba rin ang makikitang ugali ng mga pasyenteng narito. May nakaupo sa sahig, may nakapalambitin, at may naghahabol. Matapos na paglalakad ng ilang segundo narating namin ang kama ni Christy. Nakatulalang nakatingin ito sa kawalan ng makalapit. Nakita kong nilapitan ito ng kaibigan kong si Christine. Nanginginig ang kamay nito na hinawakan niya ang kamay ng kapatid niya. "Ch-christy, si-si ate to" Umiiyak na pakilala ni Christine dito. Nanatiling nakatulala pa rin si Christ
Last Updated : 2025-11-15 Read more