Christine's POV "Pero tine, may karapatan ka naman siguro, anak ka rin niya no! Saka iyang kapatid mo na bruha wag kang magpatalo dyan, sorry ha pero sarap kutungan non!" Hindi ko alam bakit natawa ako sa sinabi niya, hindi ko lang siguro expected na lalabas iyun sa bibig ng isang respetadong doctora na gaya ni Zy. "Oh? Bakit ka natawa dyan? "Wala, iyang bunganga mo kasi Zy, lumabas na naman iyang pagkalingkera na ugali mo" Natatawang sabi ko. "Gaga, totoo naman kasi, saka tine, alam kung di papayag si tita cherry niyan no!" Tukoy na sabi nito sa mommy ko. "Hay naku! Zy, alam mong simula pa noon never akong dumepende sa yaman ng pamilya ko, I can live without their help Zy, alam mo yan" Saad na sagot ko rito. "Yeah, I know that tine" "Sige na, medyo humaba na talaga ang usapan natin, baka may pasyente ka dyan" Tumawa ito sa aking sinabi kaya nagtataka akong tinanong ito. "Bakit ka naman tumawa dyan na parang naloloka?" Tanong ko, pero mas tumili pa ito sa kakatawa.
Last Updated : 2025-08-22 Read more