Christine's POV "Thank you kuya" Sabi ko kay kuyang driver na sinakyan ko. Pagkababa ng pagkababa ko ng sasakyan bumungad agad sa akin ang napakataas na company building na pagmamay ari ng daddy ko. Tiningnan ko ang relo ko habang papasok ng building, at nakita kong 9:58am na ito kaya binilisan ko ang mga hakbang ko. Nang makapasok na ako, nagulat ako sa naging bungad sa akin. Lahat ng empleyado nakahilera mga ito sa harapan ko kasama si uncle Leo, at sa gitna nito ang pulang karpet na nakalatag sa sahig, nagtatakang tumingin ako Kay Uncle Leo, pero ngumiti lang ito. "Good morning Ms. Christine" Sabay sabay na bati ng lahat ng empleyado at yumuko ang mga ito.Nagulat ako sa ganiwa nila, kaya hindi kaagad na proseso sa utak ko, ito ang unang beses na may nangyaring ganito sa buhay ko. Nasa mga isang daang employado siguro ang nakita kong nakayuko sa harapan ko.Hindi ako sa sanay sa ganitong treatment kaya naiilang na ngumiti lang ako. " Good morning po ma'am " rinig kong bose
Last Updated : 2025-08-24 Read more