Dahil sa dagliang pag-uusap sa pagitan ng CEO na si Alessandro at Chairman ng Sanuevoz, nahikayat na ang ibang mga executives. Tumikhim ang Chairman ng La Monte para muling kunin ang atensyon ng bawat isa. "Everyone," aniya. "If the board approves the proposal, we will move forward and sign the contract agreement. If not, then we lose this opportunity to partner with the Sanuevoz Group..." Huminto ito at isa-isang pinasadahan ng tingin ang bawat isang miyembro ng boards na naka-upo. "Bago kayo magdesisyon, nais kong ipa-alala muna sa inyo ang motto ng kompanyang ito," aniya at isang malalim na hininga ang pinakawalan. "Always remember, we risk for greater gain."Umayos mg upo ang mga boardmembers at tahimik na tumango sa Chairman ng La Monte. Maya-maya pa, sumenyas ito sa kaniyang secretary na si Loid upang ipasa sa nauupong miyembro ng boards ang ilang maikling papel na walang laman."We'll do the votings now. Those who are in favor, write check. However, for those who are not, w
Last Updated : 2025-08-09 Read more