I went inside the room and saw my grandfather’s worried eyes met mine. Agad itong napatayo nang makita ako.“Apo.”Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko siya. Ganun din si Lolo M, nilingon ako at ang taong kasunod kong pumasok. Kita sa mga mata ng mga chairman ang pag-alala dahil sa biglaan kong paglayas kanina.Binigyan ko ng ngiti ang dalawang matanda bago humakbang palapit sa kanila. “Sorry po, urgent lang talaga yung pag-bathroom break ko,” pagsisinungaling ko sa kanila.Hinagod ko ng haplos ang kamay ng Lolo ko upang i-assure siya bago ako umupo sa tabi niya. Umupo na rin si Alessandro sa harapan ko. Kahit wala akong salamin ngayon dahil binato ko sa kaniya kanina, nakita ko pa rin ang titig niya sa akin.Si Lolo M ang unang tumikhim at bumasag sa katahimikan.“So…have you talk?” mahina lang ang boses niya, sinisguradong hindi na ako mabigla.Ngumiti ako kay Lolo M at tumango. “Pasenya na po kanina, Lolo M. Nag-away po kasi kami ni Alessandro kaya nabigla lang po talaga
Last Updated : 2025-07-25 Read more