Andrea's POV Sobrang bigat sa dibdib na makita ang lugmok na lugmok na mukha ni Tyron. Tahimik itong nakadungaw sa kabaong ng mommy niya. Simula kahapun ay halos hindi na ito nagpapahinga. Nagpumilit akong matulog muna siya pero nagmatigas ito at inasikaso ang lahat para sa lamay ni Madam chairwoman. "Ma'am, si Ronron po hinahanap kayo" Rinig kong boses ni ate May. Nilingon ko ito at tiningnan. Gaya ng lahat ng andito, ay nalulungkot rin ang mukha nito. Ngumiti ako at tumango. "Sige po, susunod ako" Sagot ko. Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay humakbang muna ako papunta kay Tyron. Hinawakan ko agad ang kaliwang kamay nito ng makalapit ako. "Hey, magpahinga ka muna" Mahinang sambit ko at pinisil ang kamay nito. Nakatulalang hindi sumagot ito kaya inulit ko ang sinabi ko. "Ty, magpahinga ka mo na kahit sandali. Kahapun ka pa walang tulog." This time medyo nilakasan ko na ang boses ko kaya napansin na niya ako. Bumaling ito sa akin at tumingin. Nang makita ako nito agad n
Última atualização : 2025-12-26 Ler mais