Andrea's POVNagising ako sa lakas na pagkakalampang ng pinto sa labas ng aking kwarto. Rinig ko mula rito ang sigaw ng kapatid ko. Late kasi akong natulog dahil sa pagiisip kung saan ako kukuha ng pera para makapag-enroll ngayong sem na ito. Isang taon na lang, matatapos ko na ang pag-aaral ko."Ate, gising na! Malate na ako," sigaw nito na ikinatigil ng pagiisip ko kaya dali-dali kong pinagbuksan ito. Kita ko na naiinis na ito kaya binilisan ko ang galaw ko."Ate, ala sais na malalate na ako sa school, wala pang almusal at wala pa akong baon. Si lolo't lola maagang umalis, namasada na si lolo at si lola naman nasa palengke na. Bilin niya gisingin kita," mahabang sabi nito. "Oh! Sige na po, mahal kong prinsepe, maligo ka na at pupunta ako kila Aling Marites para umutang ng almusal natin at babaonin mo," pabirong sabi ko na ikinatango nito."Ang cute talaga ng kapatid ko," pahabol kong sabi rito na ikinataas naman ng nguso nito.Nang matapos kong iprito ang itlog ay nakabihis na ito,
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya