Tyron's POV "Ronron" Unang bumaling ang lalaking na kasama nito at tumingin naman sa akin ang anak ko. Naghihingi ito ng permiso na ibaba ko siya para mapuntahan ang lalaking tumawag sa kanya. "I miss you tito doc" Rinig kong sabi ng anak ko ng mayakap ang lalaki. Parang sinasakal ang leeg ko dahil sa selos na nakikita ko. Halatang miss na miss at mahal na mahal ito ng anak ko. "Ronron, come here na" Tawag ko sa anak ko. Lumapit naman ito akin habang nakatingin ako kay Andrea. Walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa akin kaya parang sinasaksak ang puso ko. "Daddy, this is my tito doc and tito doc this is my daddy" Pakilalang sabi ng anak ko. Ayokong maging bastos sa harap ng anak ko kaya ngumiti ako at binuhat ito. "Salamat pare, pero ako na lang maghahatid sa ina ng anak ko. Hindi mo na kailangan pang ihatid siya simula ngayon" Giit na sabi ko at kinuha ang bag ni Andrea sa kamay nito. Hindi na ako nag abalang makipagkilala pa dito at tinalikuran ito saka humakban
Last Updated : 2025-12-08 Read more