Isang buwan na naman ang lumipas pero nasabi ko pa rin sa sarili kong hindi pa ako okay. Bawat sulok kasi ng bahay ay naalala ko si mommy.Every day, napapatanong ako sa sarili ko, gigising ako para ano? Para masaktan?When that kind of routine keeps on repeating, nagdecide ako na parang gusto kong umalis muna. Mangibang bansa at baka sakaling maka-move on ako. Pero hindi ko alam kung papayag si dad. Kung papayag ba siyang hayaan akong umalis at kung sasama ba siya sakin.Kahit na feeling ko ay hindi kasi alam kong ngayon pa siya babawi kay Vida.Kinagabihan, habang kumakain kami, panay ako silip sa kaniya. Naghahanap ng pagkakataon na humingi ng permiso.Pero every time ibubuka ko ang bibig ko, napipigilan ako ng pangamba. Kaya tatahimik nalang ulit ako at titingin sa plato.“May sasabihin ka ba, anak?” Nagulat ako nang magtanong si dad. Siguro napansin niya ang panaka-nakang tingin ko sa kaniya.Nakagat ko ang labi ko. Heto na, sasabihin ko na…“Dad, may balak ka pa bang tatakbo nex
Последнее обновление : 2025-12-15 Читайте больше