Next:Anne Joy Del Mundo “Sabihin mong nagbibiro ka lang, Anne!” mataas ang boses na sabi ni daddy na ikinapitlag ko. Matigas akong umiling dahil sa tanong ng aking ama. “Tama ang narinig n'yo, Ma, pa. Wala na si Ciaran, patay na siya.” Yumuko ako at tahimik na umiyak dahil bumalik na naman ang sakit ng pagkawala ng taong mahal ko. Agad akong nilapitan ng aking magulang at binigyan ng mahigpit na yakap. “Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi mo, Anne,” ani ng aking ama. Halatang-halata ang pagkadismaya sa boses nito. Hindi ko siya masisisi dahil alamko kung gaano nito nagustuhan si Ciaran.“Kahit ako man ay hindi makapaniwala na wala na ang doktor na iyon. Napakabait ni Ciaran. Bakit siya namatay? Ano ang karamdaman ng batang iyon?” segunda na tanong ng kanyang ina. Umiling ako. Hindi ko gustong sabihin sa kanila ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Ciaran. Paano ko ba sasabihin sa kanila na ang tunay na dahilan kung bakit nawala si Ciaran ay dahil sa akin?Matagal bago ko naik
Last Updated : 2025-10-12 Read more