Napatigil si Selene, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nakahawak sa kanya.“D-Damon…” mahina niyang sambit, pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang.“Come,” malamig ngunit mariing sabi ni Damon sabay hila palayo sa dance floor. Nagpumiglas si Selene.“Bitawan mo ako!”May ilang lalaki ang sumubok lumapit, handang tumulong, pero nang tumama ang tingin nila sa mukha ni Damon, agad silang umatras. Sino ba naman ang mangangahas makialam sa pinakakilalang bachelor ng siyudad?Wala nang magawa si Selene nang buhatin siya na parang baboy ng lalaki. Sinusubukan pa rin nitong magpumiglas ngunit wala itong laban sa laki ng katawan ng lalaking bumuhat sa kaniya. Natigil lang ang pagpupumiglas niga nang ibagsak siya nito sa buhanginan. Narating na pala nila ang dalampasigan. Doon, tanging ilaw lamang ng buwan ang tumatama sa buhangin at sa kanilang dalawa. Malayo na sila sa resort at wala ni isang tao sa paligid.“Anong ginagawa mo?!” singhal niya
Last Updated : 2025-08-16 Read more