Elena JohnsonPansamantala muna akong umuwi galing sa aming hospital para magpalit ng suot na damit at dalhan na rin si Gary ng pagkain. Magkakahalo ang emosyon ko ngayon dahil gising na ang aking asawa.“Ma’am, gising na raw po si Sir Gary?” masayang tanong ng driver ko na si Mang Kanor habang nagmamaneho.Tumango ako at naiiyak na ngumiti bago nagsalita, “Oo, Mang Kanor. Iyon nga lang at mahina pa rin pero himala na nagising pa rin siya kahit legally comatose at vegetative state na siya. Siguro ay binibigyan pa siya ng panahon na makasama kami at mabago ang mga desisyon niya sa buhay.”“Napakabait naman po ninyo kasi ni Sir Gary, kaya tiyak na hindi pa siya kukunin ni Lord, ang laki ho ng pasasalamat ko at natulungan ninyo ako na magpatapos ng pag-aaral si Julio. Ngayon ay nurse na ang anak ko at nag-aantay nalamang ng resulta ng board exam,” sagot ni Mang Kanor.“Wala iyon Mang Kanor, matalinong bata si Julio. Isa ay matagal rin namin na naging kasambahay ang asawa mong si Mila bag
Last Updated : 2025-09-16 Read more