GiselleTatlong araw na mula nang makauwi ako galing hospital kasama ang bagong panganak naming baby. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo na lahat. Buhay ako. Buhay ang anak ko. At kasama ko si Jake.Pinangalanan namin siyang JC. Habang karga ko siya sa sala, pinapanood ko ang maliit niyang mukha. Ang tangos ng ilong niya. Ang lambot ng balat. Paminsan-minsan gumagalaw ang labi niya na parang may sinasabi kahit tulog.Pagod pa rin ang katawan ko. Masakit pa ang tahi ko. Pero iba ang saya na dala ng pagiging ina.“Love, sandali lang ha,” tawag ni Jake mula sa kusina.Nagtaka ako. Kanina pa siya abala. Bakit kaya?“Anong ginagawa mo?” tanong ko.“Secret,” sagot niya, may halong tawa.Napailing ako. “Jake, kakapanganak ko lang. Huwag mo muna akong pagurin.”“Hindi ka mapapagod. Promise.”Ilang minuto pa, lumabas siya. “Pwede mo bang ilagay muna si JC sa crib? May ipapakita ako.”Kinabahan ako bigla. “Bakit?”Ngumiti lang siya.Maingat kong inilagay si JC sa crib. Tini
Read more