Nakapulupot ang mga kamay niya sa tiyan ni Leila habang naka upo ito sa mga paa niya. Bahagya niyang inaamoy ang batok ni Leila. Kakatapos lang nila sa mainit na pangyayari sa kama. Nakatingin silang dalawa ngayon sa langit dito sa loob ng hotel room na tinutulyan pagkatapos ng kasal nila kaninang umaga. Glass ang bintana ng mismong hotel room. Kita nila ang kabuuan ng syudad sa labas nito. Sa 3rd floor sila ng hotel tumutuloy. Bago pa man ang kasal ay kaagad nilang tinuloy ang kaso kay Kyle na ngayon ay nakakulong na. Binisita rin nilang dalawa ni Leila ang lalaki. Nagtiim bagang siya nang marinig ang paguusap ng dalawa. Gusto na niya itong suntokin sa sobrang galit niya. Ngunit may napansin sila dito. Panay banggit lang ito sa nobya na namayapa na. Akala nito na si Leila ang na aksidenteng nobya na matagal ng wala. Muntikan pa itong nagwawala at malakas na umiyak nang makita si Leila. Wala silang nagawa kundi ay umalis na sa presinto. Nalungkot ang kanyang mapapangasawa. He assure
더 보기