Dave Lorian’s Point of ViewKinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa araw. Sa veranda, may manipis na ulap na bumabalot sa paligid, at sa malayo, tanaw ko pa rin ang Taal Lake — kalmado, parang wala talagang nangyari. Kinuha ko ‘yung kape na inihanda ng isa sa mga caretaker, si Mang Lando.“Good morning po, Sir Dave,” bati niya, nakangiti. “Ang tagal n’yo pong hindi nakadalaw. Akala namin, di n’yo na babalikan ‘tong lugar na ‘to.”Ngumiti ako nang mahina. “Matagal din, opo.”Tiningnan ko ang paligid — malinis, maayos pa rin kahit halatang luma na ang ilang bahagi. “Kamusta po kayo rito?”“Pareho lang po, sir,” sagot niya, habang pinupunasan ‘yung mesa sa veranda. “Wala naman pong masyadong nabago simula nang mawala si Sir Lau.”Tahimik ako saglit.“Lagi pa rin po naming inaasahan na babalik kayo,” dagdag niya, “kasi sabi ni Sir Lau noon, ‘Pag bumalik si Dave dito, ibig sabihin gusto na niyang magpahinga.’”Ngumiti ako, pero ‘yung ngiti, mabigat. “Gano’n ba?”“Opo. Lagi n’yang si
Last Updated : 2025-10-28 Read more