3RD PERSON'S POV Napayuko siya at pagak na natawa! Kamuntikan na niyang isuko ang dangal sa walang kwentang lalaki! Mabuti na lang talaga at hindi niya tuluyang naisuko ang pagkababae dito dahil langit na rin ang kusang humahadlang! “I understand now, Hunter! If that's your perspective, then from now on, stop pestering my body! Mabuti na lang hindi ko naibigay yung virginity ko sayo! Wala kang kwenta! Get out of my room, manyak!” inis niyang asik dito saka tumakbo papunta sa kaniyang kama at padapang humiga doon. Napapikit naman ng mariin si Hunter bago mabibigat ang hakbang na lumabas sa silid ng dalaga. Isinara niya ang pinto ng kwarto nito at sumandal roon. Tumingala siya at tagusang tumingin sa ceiling habang gulong-gulo ang kaniyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong mabigat na nakadagan sa kaniyang dibdib at nahihirapan siyang huminga ng maayos. Hindi naman ganito kabigat ang kaniyang pakiramdam sa tuwing may mga babae siyang tinatanggihan!
閱讀更多