Nakakainis din itong si Tatay, nawawala kaagad sa focus. Ano naman kung hindi ko sinabi sa kaniya? Dapat sa kasal siya tututok hindi sa pagiging maka-John Cena ko. Ang T-hirt na iyon, kahit saan mo mahanap. Pero ang anak niyang Tomboy na ipa-kasal kay Romane, hindi niya mahahanap kapag naglayas na. "Hindi ako sanay sa madalian na away n'yo? Okay lang ba kayo?" pang-aasar na tanong ni Tito Rom sa aming dalawa ni Romane."Nagka-develop-an na yata kaya ganiyan." si Tita Joyce, saka ngumiti na tila kinikilig. "Hindi ako natutuwa." wika habang nakatingin kay Tita Joyce. "Don't mind us, Gianna, excited lang ako sa kahinatnan ng istoryang ito." "Bakit ka naman excited, Joyce?" tanong ni Tito Rom sa asawa. "Basta lang. Ikaw Romane, excite ka ba? Sa tingin mo papatulan ka ni Gianna?" baling na tanong ni Tita Joyce sa anak.Hindi sumagot si Romane, sinamaan niya lang ng tingin si Tita Joyce na naka-ngiti pa rin.Tuwang-tuwa si Tita Joyce habang ako, gusto nang sunugin ang bahay nila. Baki
Huling Na-update : 2025-10-20 Magbasa pa