Sa Vatra Luminoasă Sector 2 sa Bucharest, ay sobra ang paghanga ni Samantha sa women's facilities, dahil sa sobrang laki nito, lawak at maraming mga kababaihang biktima ng mga pang-aabuso, pangmomolestiya na nakakabangon sa mga naransanan ng mga ito. Maraming puwedeng pagka-abalahan ang mga nasa women's facilities, at hindi nagsisisi si Samantha na sumama siya sa ina ni Cedric nang isama siya nito."Lahat ng mga kababaihan na nakikita mo ay mga inabuso sa iba't-ibang paraan. Nakakapagsimula na ng bagong buhay ang iba sa kanila, pero nananatili dito dahil pakiramdam nila ay safe sila sa facilities na 'to At dahil sa investment ni Queen Athena, maraming kagamitan ang maidadagdag para sa kanila." pahayag ng ina ni Cedric habang pinagmamasdan nila ang mga nakikita nila."Naiintindihan ko po ang nararamdaman nila, dahil habang nakatayo po ako dito, pakiramdam ko po ay safe ako. Iyon naman po ang goal ng facilities niyo tita, ang iparamdam sa mga kababaihan na safe sila." ngiting pahayag
Read more