My Daddy is the Prime Minister

My Daddy is the Prime Minister

last updateLast Updated : 2025-10-09
By:  RhenkakoiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
29views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"We're look alike Mr. so i think you're my father." -Spade Cedric Camnice Anong gagawin ni Samantha kung mismong anak na niya ang naghahanap sa tunay nitong ama. Mapigilan kaya niya ang kagustuhan nitong makilala at tanungin nito ang dahilan bakit sila iniwan? Paano ipapaliwanag ni Samantha sa kaniyang anak na nabuo lang ito dahil sa isang gabing wala siyang maalala dahil sa kalasingan. Ngunit, paano kung ang hinahanap na ama ng kaniyang anak ay isa palang Prime Minister mula pa sa Romania? May pag-asa kayang mabuo ang isang pamilyang nagsimula lang sa isang one night stand?

View More

Chapter 1

Prologue

"Spade Cedric Camnice, anong gagawin mo?!"

"I'll find Daddy on my own! If hindi niyo po sasabihin sa akin kung sino ang Daddy ko, then ako nalang po ang aalam mag-isa."

Nagpambuntong hiningang nagpamewang si Samantha sa naiisip ng kaniyang walong taong gulang na anak. May bitbit itong bag at may hawak-hawak na magnifying glass. Nasa second grade palang ito ng pag-aaral yet, kung umasta ito ay daig pa ang isang binata na naiintindihan na ang lahat sa paligid nito.

"What are you, Spadey? Si Sherlock Holmes? Or si Detective Conan na favorite anime character m---"

"--shut up, Vladi, hindi ka nakakatulong." sita ni Samantha sa kaniyang gay bestfriend na college days palang nila at kaibigan na niya.

Pigil ang tawa ni Vladi na nag gesture ng zipper sa bibig nito na ikinabuga ng hangin at ikinailing ni Samantha bago binalik ang tingin sa kaniyang anak.

"Spade listen to mommy, alam ko na hindi mo pa 'to mauunawan but mas mabuti pang huwag mo nalang alamin kung sino ang tatay mo."

"Bakit po? Is it bad po ba na alamin ko kung sino ang daddy ko? I just want to know who he is and ask him bakit iniwan niya tayo. Does he not love us?" teary eye na mga tanong ni Spade na hindi maiwasang maawa at ma-guilt ni Samantha sa anak.

Simula nang tumuntong ito sa edad nitong pitong taon ay doon nagsimula ang kaniyang anak na magtanong patungkol sa ama nito. Sinasabi na lang niya na wag nalang nitong alamin, yet mas nagiging matigas ang ulo ng kaniyang anak pagdating sa bagay na 'yun.

"Spade..."

"If Conan can solve any cases, then i can do it rin po. I'll find my real daddy!" pahayag ni Spade bago dere-deretsong umakyat sa hagdanan at iwan si Samanta at Vladi sa may sala.

"Ang cute mag tantrums ng inaanak ko."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang 'yun, day by day mas nagfi-firm ang kagustuhan niyang makilala ang tunany niyang ama." namomroblemang ani ni Samantha na napaupo nalang sa mahabang sofa at bahagyang sinamaan ng tingin si Vladi.

"Half of it is your fault, Vladi."

"Oh? Bakit napunta sa akin ang sisi?" takang tanong nito habang tinuturo ang sarili.

Although Vladi is gay, he's not a kind of gay na suot babae ang sinusuot at nagme-make up. He still look manly outside, but a woman by heart.

"Because you let him watched that anime, ginagaya niya tuloy."

"Malay ko bang mag-aala detective conan 'yang anak mo just to find his father. Bakit kasi hindi mo nalang kasi sabihin sa anak mo para hindi ka na namomroblem--"

"--how?! Paano ko sasabihin sa anak ko kung sino ang tatay niya kung kahit ako ay hindi ko kilala?! You know the story gaga ka, alam mo kung bakit may Spade ako ngayon." singhal ni Samantha na sumandal sa sofa na kinauupuan niya.

"And that's the reason why tinakwil ka ng mga magulang mo, and the reason why successful wedding coordinator ka ngayon. It's a blessing in disguise ang one night stand mo noon dahil look at you now, nawala ka sa anino ng mga magulang mo. Besides, hindi ka naman nagsisisi na may Spade ka ngayon, right?"

"Nagsisisi ako na nagpakalasing ako that time at makipagtalik sa isang stranger na hindi ko kilala at hindi ko maalala kung sino, but never kong pinagsisihan ang pagbubuntis ko noon kay Spade. Though pinasasakit niya ang ulo ko dahil sa kagustuhan niyang mahanap ang tatay niya na kahit ako walang ideya kung sino. Ayoko namang sabihin na nabuo lang siya because of a one night stand." pahayag ni Samantha na ikinaupo ni Vladi sa tabi niya.

"Ganiyan talaga ang mga bata, besides, si Spadey na mismo ang susuko sa iniisip niya since malabong mahanap niya ang tatay niya. Just let him play a detective for now, mas lalo lang magmamatigas ang anak mo." payo ni Vladi na ikinabuntong hininga ni Samantha.

"What if may gawin ang anak ko beyond a kid can do just to find his father? Isipin ko palang hindi ko na maiwasang mag-alala."

"Don't worry, i'll help you to watch over him. Ano pa at naging fairy ninang ako ng inaanak ko." ngiting ani ni Vladi nalg mapalingon sila sa tv kung saan isang balita ang pinapakita.

"May bisita na naman ang ating bansa, pero infairness, sobrang guwapo naman ng prime minister ng Romania. Para siyang prince charming na lumabas mula sa isang fairytail story though may lahi daw siyang pilipino. Ganiyang mukha ang masarap titiga--wait?" dali-dali tumayo si Vladi at lumapit sa tv habang maiging pinagmamasdan ang naka zoom na mukha ng guwapong Prime Minister na iniinterview sa mga oras na 'yun.

"Bakit lumapit ka pa sa tv? Pag guwapo talaga ang nakikita mo hindi ka mapaka--" hindi natapos ni Samantha ang sasabihin niya ng bumaling ng tingin si Vladi sa kaniya.

Nakakunot ang noo nito na parang may iniisip kaya hindi maiwasan ni Samantha na maguluhan.

"Ba-Bakit ga-ganiyan ka naman makatingin sa akin? Problema mo?"

"Naisip ko lang pero naisip ko din na malabong mangyari 'yun." ani ni Vladi na umalis sa tabi ng tv at bumalik sa sofa.

"Ang alin?"

"Wala, it's just a stupid thought of mine. Anyway may naisip akong plan, bakit hindi ka nalang magpakilala ng fake fathe--"

"--- over my dead freaking body! Hindi ako mandadamay ng ibang tao para lang hindi na ako kulitin ng anak ko about sa tatay niya."agad na putol na sita ni Samantha na tumayo sa pagkakaupo nito.

"Suggestion lang naman."ani ni Vladi na ikinailing nalang ni Samantha kung saan lumapit siya sa bintana sa sala niya.

Walong taon na niyang inaalala ang gabing naibigay niya sa isang total stranger ang sarili niya. Lasing na lasing siya at wala siyang maalala, kahit itsura ng lalaking nakatalik niya ay hindi niya maalala.

Bakit kasi sobra akong nagpakalasing that night? Sino ba ang lalaking 'yun? muling tanong ni Samantha sa kaniyang isipan.

SA ISANG Malaking mansion kung saan doon tutuloy ng ilang linggo ang Prime Minister ng Romania na si Cedric Lorcan Vasile, ay pabagsak itong umupo sa mahabang sofa habang niluluwagan ang neck tie na suot nito.

Nasa pilipinas siya upang mag-attend ng International Leadership Summit bilang pangunahing leader ng Romania. Cedric is half filipino because of her filipina mother, and his father is the former Prime Minister of Romania at tinuloy lang ni Cedric ang sinimulan ng kaniyang ama.

"Vrei să mai luăm cina în seara asta, domnule?(Do you still want to have dinner tonight, sir?)"

"Nu mi-e foame, doar pregătește-mi o baie. (I'm not hungry, just prepare a bath for me.)" seryosong utos ni Cedric na ikinayuko ng kaniyang secretary bago ito umalis.

Sumandal si Cedric sa sofa na kinauupuan niya, he was staring at the ceiling nang dumaan sa isipan niya ang isang babaeng tinatawag ang pangalan niya.

"Damn it! That woman's voice again. Why the hell is her voice still lingering in my memories after all these eight years?" naiinis na reklamo ni Cedric yet kahit isipin niya ay hindi niya maalala ang mukha ng babaeng naangkin niya walong taon na ang nakakalipas nang huling magtungo siya sa Pilipinas.

The room was too dark to remember the face of the woman he took that night, a virgin he didn't care about as he took her all night. At pag gising niya ay wala na ito at naiwan siyang mag-isa sa kama.

"Why can't i forget that damn voice, damn it!" reklamo ni Cedric na napapikit nalang at pilit inaalis sa isipan niya ang boses ng babaeng walong taon ng gumagambala sa isipan niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rhenkakoi
Please support this story of Cedric and Samantha, daily update to simula sa November ...
2025-10-09 19:56:53
0
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status