“Okay guys, last bottle na ‘to ha!” sigaw ni Cheska habang itinaas ang alak, halatang lasing na pero cute pa rin.“Promise?” tanong ni Stacy, sabay kindat.“Promise na ‘yan, baka bukas magising tayo sa ibang planeta,” tawa ni Kevin.Lahat kami nasa paligid ng bonfire, may marshmallows, chips, gitara, at sand na malamig na sa paanan.Tahimik ‘ang dagat, pero ‘yung tawa ng barkada namin halos umabot sa kabilang dulo ng resort.Ako? Half tipsy.Alam kong hindi pa ako lasing, pero pakiramdam ko ang init init.“Bela, ikaw naman!” sigaw ni Cheska. Napatingin ako sa bote na nasa gitna namin na ngayon ay sakin nakatutok. Di ko na rin matandaan paano kami nag umpisa maglaro ng spin the bottle.“Truth or dare?” nakangising tanong ni Cheska“Truth,” sagot ko agad.“Ang boring mo!” reklamo ni Stacy. “Mag dare ka!” utos pa nito.Umiling ako. “Ayoko! Alam kong madumi ‘yang isip mo!” sagot ko nama sakaniya.“Fine,” sabay ngisi ni Stacy. “Truth then. Hmm…”Lumingon siya kay Keiran na tahimik lang, n
Terakhir Diperbarui : 2025-10-27 Baca selengkapnya