NAGISING ako sa paulit ulit na tunog ng alarm clock ko, agad ko iyon inabot at in-off at nagpakawala ng buntong hininga. Napamulat ako ng mata, nakatitig lang sa kisame, hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo ngayong araw, kung kakayanin ko bang magsimula ulit. Ayokong may nakakainis nanaman na balita ang malaman ko, napapunas ako sa kapiranggot na kuha mula sa gilid ng mata ko. “Hays, ang aga aga Bela e!” inis kong sabi sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa side table, puro mga message lang sa gc namin tatlo ni Cheska at Stacy, sa mga kakilala, supplier, mga kilala ko ng customer at iba pa. Inilapag ko ang phone ko at tumayo, maglalakad na sana ako palabas ng kuwarto ng biglang tumunog ang phone ko, senyales na may ng pop up na message. Pag open ko ay email siya galing sa landlord. Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko. Napakuskos pa ako sa mata ko kung totoo ba ang nababasa ko, at ng makumpirma ay napatalon ako bigla sa tuwa. “AHHHHH!” tili ko at nag tatatalon. Pe
Last Updated : 2025-10-16 Read more