Tahimik pa ang paligid nang umupo ako sa upuan ko at binuksan ang laptop. Ilang minuto pa bago magsimula ang meeting—sapat na oras para maghanda, magbasa ng agenda, at ayusin ang isip ko. Pero bago pa man ako tuluyang makalubog sa trabaho, umilaw ang screen ng phone ko.Unknown Caller.Hindi ko na kailangang hulaan.Huminga ako nang dahan-dahan bago sinagot ang tawag.“Good morning,” sabi ko, kontrolado ang tono.“Good morning, Astra,” sagot ni Gio sa kabilang linya, magaan, parang wala lang. “Hindi ako istorbo, sana.”Hindi ka istorbo. Isa kang komplikasyon, gusto kong sabihin. Pero hindi iyon ang script.“Hindi naman,” sagot ko. “May kailangan ka ba?”Maikling katahimikan. Alam ko ang galaw na iyon—ang sandaling paghinto bago bitawan ang linya na sanay na sanay niyang gamitin.“I was thinking,” sabi niya, “since magkalapit lang naman ang schedules natin, maybe we can grab lunch later?”Diretso. Walang paligoy-ligoy.Sa comms, agad kong narinig ang reaksyon nina Charm at Valeria.“An
Huling Na-update : 2026-01-08 Magbasa pa