Limang taon.Limang taong itinago ko ang lumang ako sa ilalim ng balat na ito. Limang taon ang ginugol ko para kalimutan ang boses, kilos, pangarap, at galit ni Emie—ngunit sabay rin noong limang taong ginamit ko para palakasin ang apoy na iyon.At ngayon, habang nakaupo ako sa loob eroplano na papalapag sa NAIA mula Spain, ramdam ko ang pag-ikot ng mundo sa ilalim ng mga paa ko. Parang may humahaplos na malamig na hangin sa balat ko—bagong balat, bagong mukha, bagong identity.Pero iisa pa rin ang kaluluwa.Ako pa rin iyon.Hindi na si Emie sa labas, pero si Emie pa rin ang humihinga sa loob.Huminto ang sasakyan.Pumasok si Charm sa likod, mabilis na tinanggal ang shades niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.“Astra Vale,” tawag niya sa akin, gamit ang pangalan kong ibinigay ng organisasyon, “welcome back to the Philippines.”Hindi ako ngumiti. Matagal ko nang inalis si Emie sa mukha ko—pati ang ugaling marupok, umiiyak, o agad natutuwa. Hindi ko alam kung paano ngumiti nang h
Last Updated : 2025-12-13 Read more