Hindi ko namalayang nakabalik na ang asawa ko mula sa labas.. Amoy mabango pa rin ito ng lumapit sa akin kahit na tagaktak ang pawis nito sa mukha at dibdib ng maghubad ng polo shirt sa harapan ko. Napatakip tuloy ako ng aking mukha. Ang kisig kasi niya hindi halatang may edad na siya sa ganda ng pangangatawan niya. "Hon, nandyan ka na pala." wika ko para madivert ang utak ko sa ibang bagay. Baka kasi kung hindi makalimutan ko na buntis ako at mahila ko asawa ko ng wala sa oras. "Oo, hon. Nakakatuwa ang daming napakain na stray dogs at cats. Wait hwag ka munang lumapit amoy pawis ako." sita niya sa akin. Natawa na lang ako at nakakahiya naman sa kanya.. Partida pawisan na siya niyan pero mabango pa rin talaga ang asawa ko. "Ok, sige. Hintayin na lang kita dito hon." sagot ko. Nang naka alis na ito sa aking harapan. Naupo ako at kinuha ang aking cellphone. Nagbrowse na lang ulit ako ng social media account ko.. At proud akong nagpalit ng profile namin ng aking asawa. Wala
最終更新日 : 2026-01-20 続きを読む