Pagkalipas ng tatlong buwan, tuluyan nang bumalik ang kulay sa mga pisngi ni Mirella o sa katauhan ngayon ng lahat, si Mrs. Eleanora Zobel. Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan niya ang sarili. Ang babaeng nakatingin sa kaniya ay may tindig ng isang Zobel: matatag, elegante, at walang bakas ng kahinaan. Ngunit sa ilalim ng mapanlinlang na ganda, nandoon pa rin ang mga matang kay Mirella: matatalas, mapanuri, at may lihim na alam. “Mrs. Zobel, you have a meeting in five minutes,” ani ng bago niyang assistant, isang dating kasabayan niya noon bilang sekretarya. Ngumiti siya ng banayad. “Let’s go.” Pagbukas pa lang ng pinto ng boardroom, agad na tumahimik ang lahat. Ang mga direktor, department heads, at shareholders ay sabay-sabay na tumayo bilang pagbati. Sa dulo ng mesa, nakaupo si Lord Cassian Zobel, ang mister na halos hindi pa rin siya matingnan nang diretso simula nang siya’y makalabas ng ospital.  Nakasalubong niya ang malamig nitong titig, ngunit sa pagkakataong ito, h
 Last Updated : 2025-10-24
Last Updated : 2025-10-24