“May dalawang klase ng statistical analysis. Ito ‘yong pinaka-basic na kailangan mong matutunan para maintindahan mo ang mga susunod na lessons,” paliwanag ni Uncle Easton, habang nakaupo sa aking tabi at nagsusulat ng ilang termino sa papel.Tahimik ko lamang siya pinapanood at sinusundan ng tingin. Sa napag-usapan namin wala kaming ibang gagawin sa tutoring session kundi ito. He’ll grant me rewards kung nakikita niyang gumaganda ang resulta ng grades ko. “Una, descriptive analysis. Ginagamit ito kapag ang data na meron ka to summarize and describe data.” Tinignan niya ako para siguraduhin na nakikinig ako. Kinindatan ko naman siya kaya busangot itong nagpatuloy sa pagtuturo. “Ginagamit mo lang kung ano ‘yong nakikita mo. Like calculating the mean, median, mode, or range.” Ang ganda ng sulat kamay ni Uncle Easton. Malinis at tama lang ang laki kaya madaling basahin. Hay, napaka-perpekto talaga ng uncle ko.Tumango ako, sinulat sa notebook ang sinabi niya. “In other words, bawal ka
최신 업데이트 : 2025-11-07 더 보기