Bigla na lang bumuhos ang ulan. Walang warning, walang paalala — parang may sariling trip ‘yung langit. Ang lakas ng kulog, tapos ‘yung hangin, parang galit na galit. Umaalog ‘yung bintana ng condo namin na parang gusto na ring sumuko. Nasa couch ako noon, kunwari nagbabasa pero to be honest, kalahati ng utak ko nasa ulan, kalahati nasa sarili kong overthinking. Tahimik lang sana, hanggang sa BANG! — biglang bumukas ‘yung bintana sa kwarto ko, nasira yun. Basang-basa agad ‘yung sahig, pati ‘yung carpet. “Perfect,” bulong ko, tinapon ‘yung libro sa gilid. “Sobrang perfect.” Tumakbo ako, kumuha ng tuwalya, at sinubukang pigilan ‘yung mini swimming pool sa sahig. Lumapat ‘yung tuhod ko sa malamig na tiles, ‘yung buhok kong nakatali kanina ngayon nakadikit na sa mukha ko. Para akong contestant sa “PBB: Typhoon Edition.” Habang si Callisto. Nakatayo lang sa may pinto, tuyo, maayos, at nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. “You need help?” tanong niya, ka
最終更新日 : 2025-10-31 続きを読む