Mula nang banggitin ni Cailyn ang sulat ay naging tulala na si Nissy, hindi na nito malaman kung paano iyon nalaman ni Cailyn. Bumalik lamang ito sa kaniyang ulirat nang sikuhin siya ni Harry. Lumabas ang ekspresyon na mas masakit pa sa pag‑iyak nito kanina.“A-ah.… i-itinapon ko na ang sulat, e.” saad nito. Nadismaya sina teacher Almira pati na rin si Renzo.Tanging sina Fayra at Aina naman na nasa labas lang ang nakahinga nang maluwag.Humakbang si Fayra paharap, kitang‑kita ang ganda niya sa gitna ng mga tao. “Principal, teacher Almira, baka naman po misunderstanding lang ito. At dahil ayos naman na po sina Cailyn at Nissy, baka aksidente lang naman po talaga. Hindi na po siguro natin kailangan pang palakihin ito.” mahina ang boses na sabi ni Fayra. “Oo nga naman po, ayos naman na po sila, e. Bakit pa po natin ikakabahala ang buong eskwelahan?” mabilis na sang-ayon ni Aina. Samantalang si Cailyn naman na hindi pa sigurado kung sino ang nasa likod ng pangyayari na iyon ay nakit
Read more