Sa VIP ward na matatagpuan sa ikawalong palapag ng ospital, nakaupo na parang nakadapa si Ruan sa ibabaw ng kama habang matamang nakatitig sa maliit na bote na nakapatong sa unan. Nakapako lang doon ang magaganda niyang mga mata, hindi kailanaman kumukurap, habang ang mahahaba at kulot na pilikmata ay gumagalaw na parang mga maliliit na pamaypay.Sa loob ng maliit at malinaw na boteng iyon na labis niyang pinahahalagahan ay may nakatagong isang maliit na puting tableta na parang asukal. Buong araw na siyang nakatulala at nakatingin lamang doon.Madalas niya itong pinupulot, pagkatapos ay ilalabas ang tableta, tititigan nang matagal, at saka ibabalik ulit sa loob na tila ba ayaw na ayaw niyang mahiwalay ito sa kaniya. Tahimik niyang binibilang ang mga araw sa kanyang isipan, habang nagtataka kung kailan kaya muling babalik at dadalaw sa kaniya si Cailyn.Halos isang araw na kasi ang nakalipas, pero wala pa rin ito.Umupo nang maayos si Ruan. Ang kanyang pisnging kasing-kinis ng porsela
閱讀更多