LOGINNagkagulo ang lahat nang malaman ni Cailyn ang pagtataksil ng kanyang nobyo at ng kaniyang sariling kapatid. Nalaman niya na hindi pala siya tunay na anak ng mga Avensa - ang pamilyang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya. Sa kagustuhang makilala ang tunay na pamilya, maging ang tunay niyang pagkatao ay sinimulan niya ang pagkalat ng kaniyang impormasyo online. At hindi nagtagal ay natagpuan rin siya ng mga ito. Sa pagkaka-alam niya ay mahirap lamang ang kaniyang mga magulang at nanggaling sa lungsod na kung saan ang buhay ay mahirap, ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na makapangyarihan at mayaman pala nag kaniyang tunay na pamilya. Kilala sa buong bansa bilang pinakamagaling pagdating sa negosyo. At lingid din sa kaniyang kaalaman na malapit sa puso ng mga ito ang kaniyang mapapangasawa - si Jace Veller Figueroa. Isang bilyonaryo at kinatatakutan ng lahat sa buong lungsod na kaniyang kinalakihan.
View MoreTILA ISANG nagbabagang apoy ang klima ngayong buwan ng Hunyo. Kitang kita rin ang paghulma ng mga heat waves sa aspaltong kalsada, na wala naman ni iisang tao ang naroon.
Hinila ni Cailyn ang bagong ayos niya na maleta palabas ng kaniyang silid. At bago pa siya makababa ng hagdan ay rinig na niya ang huni ng boses ng kanyang kapatid na si Fayra sa ibaba.
“Mom, Dad, talaga bang dadating ang tunay na mga magulang ni Cailyn dito para sunduin siya?” saad ni Fayra.
“Bakit ka pa ba nagtatanong tungkol diyan? Nag-practice ka na ba ng piano music na gagamitin mamaya? Pupunta pa naman ang kumare ng lola mo doon, at galing pa iyon ng Manila. At propesor iyon sa People’s Art Theater, isa din siyang national piano master. Kung aayusin mo lang iyang sarili mo, baka tulungan ka pa ng lola mo na mapalapit sa kanya at tiyak na masisiguro na ang pagpunta mo sa manila para sa kolehiyo.” serysong sabi ng kanilang ama.
“Nagpa-practice naman ako, ah.” sagot ni Fayra.
Hindi na nagawang dumiretso ni Cailyn pababa ng hagdan nang marinig ang mapanukso na namang gawain ng kapatid.
“Daddy, ano sa tingin mo ang itsura ng mga tunay na magulang ni Cailyn?” may paghamak na sabi ni Fayra, itinatago ang pagiging inosente. “Sabi nila ay pupunta sila sa araw bago pa ang kahapon, tapos ngayon lang sila dumating! Hindi naman siguro sila bumili ng tiket sa tren at bumyahe ng dalawang araw at isang gabi galing sa bundok para lang manundo, hindi ba?” dagdag pa ng kapatid.
Nanatili si Cailyn sa tuktok ng hagdan, may bakas ng pagiging sarkatisko sa kanyang mga mata.
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang aksidente niyang nalaman na ang kaniyang kapatid na si Fayra ay may lihim na relasyon sa kaniyang nobyo, parehas siyang niloko ng dalawa. Sa galit niya noon ay in-exposed niya ang tungkol sa bagay niya iyon. At doon niya rin nadiskubre na hindi naman pala talaga siya tunay na anak ng kanilang mga magulang, inampon lamang siya mula sa isang bahay ampunan.
Pero hindi naman siya inampon ng kanilang mga magulang dahil sa pagiging mabait at may mabuting puso ng mga ito, iyon ay dahil may kakaibang sakit sa dugo si Fayra. Bukod sa gamot ay kailangan din nitong sumailalim sa blood transfusion buwan-buwan.
May sariling kumpanya na pag-aari ang pamilya na kanyang kinalakihan, na matagumpay din itong naisapubliko noong nakaraang taon kaya kilala rin sa paligid ang kanilang pamilya. Kung pera nga lang ang kailangan para sa sakit ni Fayra ay hindi na sana kailangan pang mag-alala ng kaniyang kinagisnang pamilya, ang mga Avensa.
Sa kasamaang palad kasi ay bukod sa hindi na swerte at ipinanganak ding may sakit, mayroon ding bihirang RH blood type si Fayra. Sobrang bihira lang ng ganoong blood type na sinasabi ng iba na isa o dalawa lang sa bawat isandaang libong tao ang nakakapag-mana ng ganoon.
Panda blood din ang tawag ng mga ospital doon dahil sa sobrang bihira lang nito, ibig sabihin ay ganoon ito kahalaga tulad ng isang giant panda.
May pera naman ang pamilya ng mga Avensa para sa pagpapagamot, pero hindi nila kayang tiyakin na may sapat na panda blood ang ospital buwan-buwan para kay Fayra. Kaya nakaisip ang mga magulang nila ng solusyon matapos ang mahaba nilang pag-iisip, at iyon ay ang pag - ampon ng isang bata mula sa ampunan na may kaparehong blood type para magsilbing blood bag para sa kanilang anak!
At si Cailyn ang naging blood bag na iyon, ng libre.
Mula pa pagkabata ay pinalaki na siya para maging mabuting kapatid, binihisan siya ng mga magagandang damit at binigyan ng mga awards… Marahil ay nananatili pa rin siya sa dilim hanggang ngayon kung hindi pa na-expose ang tungkol kina Fayra at Aiden na kaniyang nobyo.
Sinabi lang naman ng mga Avensa ang tungkol sa tunay niyang pagkatao dahil pagkatapos ng ilang taong pag-gagamot ay malapit na ring gumaling si Fayra, at hindi na nito kakailanganin pa ng pag-gamot at transfusion kung aalagaan lang nito ang sarili ng tama.
Wala na siyang silbi. Galit na galit din sa kanya ang matandang Avensa dahil sa pag-expose niya sa relasyon nina Fayra at Aiden sa mismong kaarawan pa ni Fayra. At para lang maisalba ang reputasyon ng kanilang pamilya ay kaagad siya nitong isinawalat bilang hindi tunay na kadugo sa harap ng ibang tao.
“Itikom mo ‘yang bibig mo.” dinig niyang sabi ng kanilang ama, ayaw nang banggitin pa si Cailyn.
Hindi naman iyon pinansin ni Fayra, ngumuso ito at kumunot ang noo.
“Oo nga naman. Kaya nilang bumili ng ticket para sa eroplano, kaya bakit ngayon lang sila dumating? Hindi ba dapat ay kapos na sila?” Hindi naman siya sinagot ng kaniyang ama. “Okay.” na lang ang tangi niyang nasabi sa huli.
Nahagip kasi ng sulok ng mga mata ng kaniyang ama si Cailyn na pababa na ng hagdan at saka siya binulungan nito na tumahimik na.
Una nitong nasulyapan ang mabangis na itsura ni Cailyn. Nakasuot ito ng light blue na T-shirt bilang panloob at may halong pula at puting striped shirt naman sa labas. Sinadyang i-tuck in ang dulo ng damit sa suot nitong denim na shorts, ipinapakita ang payat at mapuputing mga binti ni Cailyn.
Maputi ang sinuman sa kanilang pamilya, ngunit ‘di hamak na mas maputi ang kutis ni Cailyn sa kanila.
Lingid sa kaalaman ni Harvey Avensa, ang kanilang ama, kung dahil ba sa sobrang puti lang ng balat ni Cailyn kaya palaging tila madilim ang mga mata nito. Sa tuwing nakikita niya kasi ito ay palagi na lang nararamdaman ni Harvey ang isang hindi niya kilalang pakiramdam, na para bang may namamagitang pader sa kanilang dalawa.
Iyon ay pala ay dahil sa hindi sila tunay na mag-ama.
“Cailyn, anak, na-impake mo na ba ang mga gamit mo?” tanong ni Harvey sa mas malumanay na tono kaysa sa ibang miyembro ng kanilang pamilya. Kahit papaano ay pinalaki pa rin niya ito ng higit pa sa sampung taon. Mariing itinikom ng kanilang ama ang mga labi nito at iniwas ang tingin pagkatapos.
“Uh-hmm,” tugon ni Cailyn at saka tuluyang naglakad pababa ng hagdan, dala-dala ang hindi naman gaanong mabigat na kaniyang maleta.
Mabilis na isinantabi ni Fayra ang kaniyang ekspresyon na tila nanunuod ng katatawanan nang sa wakas ay masulyapan si Cailyn.
Nagpanggap siya na para bang isang nonchalant at tinawag ang kanyang kapatid, “Ate.” aniya.
Hindi naman na nag-abala pa si Cailyn na sagutin ang kapatid at basta na lang dumiretso ng lakad sa harapan nito.
Hindi natutuwang ngumuso si Fayra dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Cailyn, lumipat ang kaniyang tingin sa sahig na para bang sya ay naapi, namutla ang kaniyang maputing mukha at tila lumupaypay at nanghina na tila isang puting bulaklak na tinatangay ng hangin.
Mabilis namang nagdilim ang mukha ni Priscilla Avensa, ang kanilang lola. Sumandal ito sa hawak na tungkod at saka suminghal.
“Kinakausap ka ni Fayra, hindi mo ba naririnig?” saad ng matanda.
Kaagad namang lumapit si Fayra sa matanda at kinuha ang kamay nito, inangat niya ang kayang ulo upang tingalain ang matanda at marahang umiling. At saka kinagat ang labi at nagsalita para kay Cailyn.
“Lola, hayaan niyo na po. Baka wala lang po sa mood si Cailyn. Okay lang po ako.” aniya.
Mas lalong kinamuhian ni Priscilla ang babae dahil sa mga salita ni Fayra. Nakikita niya ang mali sa bawat bagay na gawin nito.
“Hindi ka talaga anak ng pamilya Avensa. Pagkatapos ng higit sampong taon na pagtuturo sa ‘yo, hindi mo pa rin kayang baguhin ang makitid mong pagatao!” saad ng matanda na may halong pandidiri.
“Mama,” tawag ni Harvey sa ina, may pagmamakaawa sa kaniyang tono.
Humakbang siya palapit kay Cailyn at saka humugot ng ilang libong piso mula sa kanyang pitaka.
"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele
PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.