Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko. I can't believe this. Nakita ko lang naman ang crush ko sa family reunion namin. Nakakadismaya. Ibig sabihin, kamag-anak ko siya? Napapikit na lamang ako habang pinipigilan ang pagluha. Bakit ba kasi sa lahat ng magiging kapamilya ko, 'yong tao pa talagang matagal ko nang gusto? Hindi ako makakapayag. Hindi ito maaari. Tumakbo na ako paakyat ng building kung saan kokomprantahin ko ang pinsan kong si Ismael tungkol dito. Bakit ba kasi ngayon lang din ako umattend sa reunion? Tuloy, ngayon ko lang nalaman. Ibig bang sabihin, kaya ang bait-bait sa akin ng crush kong si Yves ay dahil alam niyang kamag-anak niya ako? O baka kahapon niya lang din nalaman dahil kahapon lang din ako pumunta sa ganoon? Ay, ewan! "Mael!" sigaw ko nang makita ko ang pinsan kong naroon sa corridor pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si...Yves? WTF? "You take care of my cousin," sambit ni Mael kay Yves sabay tapik pa sa balikat nito. Napakunot ang noo ko nang
Last Updated : 2025-11-19 Read more